HERCOLUBUS O PULANG PLANETA
V.M. Rabolú
“Napakalaking sakripisyo para sa akin ang pagsulat ng librong ito, nakahiga ako sa aking kama na hindi makatayo o makaupo man lang ngunit nakita ko ang pangangailangan na babalaan ang sangkatauhan sa nakaambang na panganib kaya’t ako’y gumawa ng malaking pagsisikap sa pagsulat ng librong ito.”
“Hercolubus o Pulang Planeta ay may lima hanggang anim na beses ang laki kumpara sa planetang Jupiter. Ito ay napakalaki at walang sino man ang makapipigil o makapaglilipat nito.”
“Ang mga siyentipiko at ang buong mundo ay nagugulimihanan, kahit ang kinatatakutang pagkawasak ng ating mundong ginagalawan ay di pa man nagsisimula, ngunit ang takot sa diyos ay di pa rin nangingibabaw sa puso kahit sinong nilalang sa mundo. Pinaniniwalaan nila na sila ang diyos na may hawak ng buhay, ang pinakamakapangyarihan. Subalit ngayon nila napagtanto na mayroon palang banal na hustisya na siyang humuhusga ng naayon sa ating mga gawa.”
“Mayroon ng malalaki at malalalim na lamat, na inaabot ng apoy ng mundo. Ito ay sanhi ng direktang pag-eeksperimento ng mga bomba atomika ng mga siyentipiko na naniniwalang sila ang pinakamaalam sa lahat. Hindi nila tinimbang ang magiging epekto ng kanilang pagkakamali at patuloy na pagwasak sa planeta at sa sangkatauhan.”
“Ang apoy ng mundo ay nagsisimula ng makipagkaisa sa tubig at ang unos ay simula na sa paglitaw na binansagan ng mga Amerikano na “The El Niño Phenomenon”. Hindi ito ang literal na “El Niño”, subalit ang pag-iisa ng apoy sa tubig na kumakalat na sa karagatan. Dahilan sa mga lamat na ito, malalaking alon, lindol at iba pang nakapangingilabot ang mangyayari sa tubig gayundin sa ibabaw ng lupa. Walang siyudad (na malapit sa karagatan) ang hindi malilipol at ang lupa ay magsisimulang igupo ng tubig ng dagat sapagkat ang direksiyon ng mundo ay unti-unti ng lumilihis, resulta ng mga walang batayang eksperimento.”
“Marami ng pagkakataon na ako ay nagkaroon ng kaugnayan sa mga kakaibang uri ng nila-lang o mga “Extraterrestrials”. Naglakbay ako sa mga planetang Venus at Mars sa pamamagitan ng aking “Astral Body” upang ng ating mabatid at magbigay ng testimonya kung gaano katalento ang mga naninirahan dito. Walang ibang salita ang makakapagsalaysay ng kanilang katalinuhan, kultura, maganda at magarbong pamumuhay na kanilang tinatamasa.”
“Ang mga sasakyang pangkalawakan ay gumagana sa pamamagitan ng enerhiya na nanggagaling sa araw o “Solar System”. Sila ay gawa sa mga materyal na di mo makikita dito sa ating daigdig, hindi tinatablan ng bala o anumang sandata. Ang mga sasakyan ay niyari at hinubog ng buo, walang hinang o anumang dugtungan at minamaniobra sa pamamagitan ng buton.”
“Bawat tao ay may kaluluwa, mayroon itong iba’t-ibang katawagan. Subalit ang espiritu ang nagtutulak sa atin at nagbibigay sa atin ng la-kas upang isakatuparan ang ispiritwal na gawain tulad ng aking itinuturo. Itong kaluluwa ay nababalakiran ng ating kasamaan, depekto ng ating sariling pag-iisip, na tinatawag kong “ego” o pagmamalaki sa sarili. Ang mga ito ang humahadlang para sa malayang paglalayag ng kaluluwa. Dahil sila ang nagdidikta at nag-uutos sa tao.”
“Sa pamamagitan ng pagkamatay ng “ego” na aking sinasabi makakamit mo ang katapatan at matututunan mong mahalin ang sangkatauhan. Sino man ang hindi kumilos upang alisin ang depekto ay hindi maabot ang katapatan at hin- di makakatanggap ng pagmamahal kanino man dahil hindi niya mahal ang kanyang sarili.”
“Ito ang panaginip o kathang-isip, o ang tinatawag na ika-5 dimensyon, kung saan walang bigat o distansya at kung saan magpupunta ang ating mga kamalayan. Isang katawan na kahalintulad ng ating pisikal na katawan, mas mabilis, mas malakas, at kayang mag-isip anuman ang gustuhin nila at kayang arukin ang anumang nasa kalawakan.”
“Ang “Mantras” (lakbay-diwa) ay Salitang mahika na nagbibigay sa atin ng pahintulot upang lisanin ng ating pisikal na katawan at bumalik muli sa ating kamalayan.”
“Giliw kong mambabasa: Ako ay nagsasalita ng maliwanag upang inyong maintindihan ang mga kailangan sa pagtatrabaho ng seryoso, sapagkat sino man ang magtrabaho ay tiyak na makakaligtas sa panganib. Hindi ito para sa inyo upang gumawa ng haka-haka o magsagawa ng diskusyon, ngunit upang iparanas ang tunay na karanasan na aking inilalahad sa inyo sa librong ito, dahil wala ng ibang pagkukunan ng iba pang mga detalye.”
Mga Nilalaman
- Panimula
- Hercolubus o Pulang Planeta
- Ang mga Eksperimentong Atomika at ang Karagatan
- Mga Nilalang sa Ibang Planeta
- Kamatayan
- Astral Projection
- Huling Pahimakas
|
Caractéristiques techniques
- Pages 64
- Dimensions 12,5 × 18 cm
- Attaché en retour
- Reliure avec couverture en plastique
- Prix de vente 7,00 €
|